Luke 11:29-32

Humingi ng Himala ang mga Tao

(Mat. 12:38-42)

29Nang lalo pang dumarami ang mga tao, sinabi ni Jesus, “Napakasama ng henerasyong ito. Humihingi sila ng himala, pero walang ipapakita sa kanila maliban sa himalang katulad ng nangyari kay Jonas. 30Kung paanong naging palatandaan si Jonas sa mga taga-Nineve, ganoon din ako na Anak ng Tao sa henerasyong ito. 31Sa Araw ng Paghuhukom, tatayo
tatayo: o, muling mabubuhay.
ang Reyna ng Timog
Reyna ng Timog Siya ang reyna ng Sheba ayon sa 1 Hari 10.
at ipapamukha sa henerasyong ito ang kanilang kasalanan. Sapagkat nanggaling pa siya sa napakalayong lugar upang makinig sa karunungan ni Solomon. At ngayon, narito ang isang nakahihigit pa kay Solomon,
pero ayaw ninyong makinig sa kanya. 32Maging ang mga taga-Nineve ay tatayo rin at hahatulan ang henerasyong ito, dahil nagsisi sila nang mangaral sa kanila si Jonas. At ngayon, narito ang isang nakahihigit pa kay Jonas, na nangangaral sa inyo, pero ayaw ninyong magsisi.”

Copyright information for TglASD